December 07, 2010

Pasko

Parating na naman ang araw na pinakahihintay sa buong isang taon, ang araw na sinasabing pinakamasaya at pinakamakulay. Tama nga naman dahil naparaming ibat-ibang kulay na makikita sa mga bahay, kalsada, gusali, puno at kung saan-saan pa. Bawat tao ay abala sa pagpunta sa mga malalaking mall at pamilihan upang bumili ng mga panregalo sa mga bata, kapamilya, katrabaho, kamag-anakan at sa mga inaanak, halos lahat excited, at nakakatuwa dahil may ganitong klase ng panahon taon-taon. At talaga namang nakakataba ng puso na makitang makulay at masaya ang paligid. Bawat tao nagbabatian, nagbibigayan at nagkakasiyahan. Masayang tunay at talagang dapat ipagdiwag sapagkat ang araw na ito ay tunay na napakahalaga at kaabang-abang. Bakit nga naman hindi eh ito ata ang araw kung saan isinilang ang isang sanggol na syang naging daan upang ang ating buhay ang maging tunay na buo. At ang kaalaman na ang sanggol na ito ang syang tunay at laging nagbibigay para sa bawat nilalalang sa buong sanlibutan ay isang napakadakilang dahilan upang ipagdiwang at alalahanin ang kanyang naging pagsilang sa sanlibutan. 

Napakadalisay ng hangarin ng pagsilang ng sanggol sa mundong ito, napakawalang kasing halaga ang kanyang regalo para sa bawat tao na nabuhay, nabubuhay at mabubuhay sa mundong ito. 

Sa puntong ito ng taon, hindi man lahat nakakaintindi ng tunay na kahulugan ng araw na ito ay masasabi namang lahat ng tao ay talagang ito ang laging pinakaaasam-asam. Hindi pa nga dumarating ang pinaka-buwan nito ay abala na ang marami sa paghahanda para sa araw na ito. Madami ng ng-iikot sa kung saan-saan upang bumili ng kung anu-ano, madami na rin ang naglalagay ng kung anu-anong dekorasyon sa kung saan-saan upang maging buhay at talagang makulay, madami na rin ang nagpapatugtug na mga masasayang musika na nagpapaalala sa darating na araw na ito. Nakatuwang isipin na lahat ng tao, nag-iisip ng plano para sa napaka-espesyal na araw na ito. 

Kahit pa nga kahit minsan madami ang kapos sa budget pero hindi daw yon hadlang para ipagdiwang ang araw na darating. Minsan lang naisip ko, napakaswerte naman ng araw na ito kasi laging pinakaaabangan. Noong bata pa ako at hindi pa malawak ang kaalam sa mga okasyong meron, ang alam ko pagsumasapit ang araw na ito lagi akong may bagong set ng damit na binibili ng Lolo ko, lagi rin akong may bagong sapatos, at higit sa lahat madami akong perang natatanggap galing sa mga taong sa ganitong araw ko lang nakikita at nakikilala pero sa mga ordinaryong araw hindi ko alam kung asan sila at sino sila. 

Nang medyo nagkakaedad na ko or yong sinasabing teenager na medyo hindi na ganun ka-exciting para sakin ang araw na ito, hindi ko na iniisip kung may maganda ba o wala na mangyayri sa araw na ito. Sumasama pa rin ako sa mga kamag-anak kapag may mga pagtitipon ngunit wala na kong nararamdamang saya sa mga okasyong ganun. siguro kasi naisip ko naglulukohan lang naman yong mga taong ito dito eh, nagbibigayan ngayon pero pagtapos ng araw na ito balik uli sa dati, yong tipong lumuha ka man ng dugo manigas ka pero wala silang ibibigay sayo. Kaya ayon siguro hindi na ganun yong dating ng araw na ito sakin, at nakakalungkot kasi pangit ang naging impression ko sa araw na ito sa edad na iyon ng buhay ko. 

Pero gaya nga ng tunay na buhay hindi ako laging bata at teenager, dumating ako sa punto ng buhay kung saan alam ko na meron na akong sapat na kaalaman at kaunawaan upang intindihin kong ano ang kahulugan ng mga bagay-bagay. Bumalik ang saya at excitement ko para sa okasyong ito dahil gustong ako naman ang magbibigay sa mga bata, at mga kamag-anak. Kaya nag-ipon at namili ako para sa kanila, namigay, bumati at nagpahanda. Akala ko solve na yong ganon, akala ko magiging makulay na yong araw na iyon, pero at end pagod at pagsisisi lang ang naramdaman ko, nasan ang saya? nasan ang kulay? nasan ang buhay? akala ko pag nagbigay ako gaya ng mga nagbibigay sakin noong bata pa ko mararamdaman ko yong kakaibang saya ng dulot ng araw naito, pero wala, bakit? hindi ko maipaliwanag talaga, kaya nung mga sumunod na taon, ayon sabay nalang ako sa agos. Kung meron magbibigay, kung wala magtatago at hindi magpapakita para walang marinig na nakakakonsensya.

Hanggang minsan isang taon nakita ko yong kulay at saya ng araw na ito, hindi sya makulay dahil madaming mga ilaw na kumikislap sa gabi sa mga bahay, kalsada, gusali at mga puno. Hnidi sya masaya dahil sa regalo, handaan, kantahan, pagkikita-kita. 

Makulay dahil naunawaan ng puso ko kung ano ang tunay na kahulugan ng araw na ito. dahil sa araw na ito, na ilang libong taon na ang lumipas, ay isinilang ang isang sanggol na syang naging tagapaghatid ng kulay sa buhay na halos hindi ko na kakitaan ng kahit katiting na pag-asa, sya ang nagsilbing panibagong pag-asa at nagdulot ng kakaiba at panibagong karanasan. Ang dating ayaw ko nag makita at balikan dahil sa sugat na patuloy na nagdurugo sa loob ko unti-unti ginagamot nya, ang dating durong at lasog-lasog na puso pero patuloy na tumitibok at hinihiling ko na sana huminto nalang, sya ang unti-unting bumubuo. At dating walang kulay at parating kupas na buhay ko, sya ang unti-unting nagbigay ng liwanag.

Masaya dahil sa loob ng napakahabang panahon na puro hangin at espasyo ang makikita sa loob ng puso ko, ay sya ang nagpupuno. Ang dating uhaw at sabik sa pagmamahal at atensyo na pagkataon ko, sya ang nagbigay at nagpuno. Ang dating magulo at walang kapahingaha ng pag-iisip, sya ang nagpayapa at nagbigay kakuntentohan. 

Dahil sa pagsilang nya sa espesyal na araw na ito ng taon na laging pinaka-aabangan ng lahat ang buhay ay hindi na gaya ng dati. Hindi na kasing hirap ng dati at lagi ng may dalang ngiti sa bawat sakit ng kahapon at sugat na dalang ng nakaraan. Lagi ng may kamay na nakaagapay na handang yumakap at magsilbing lakas sa mga pagkakataong pinanghihinaan. 

Hindi ko inisip noon na darating sa punto ng buhay ko na mauunawaan ko ang kahulugan ng araw na ito sa ganitong klaseng aspeto. Ngayon sa tuwing titignan ko ang paligid na makulay at mga taong hindi magkamayaw sa pagbili ng mga panregalo, naiisip ko sana yong saya ko ay parehas din ng saya nila, dahil walang kasing halaga ang sayang dulot ng aking kaunawaan sa araw na ito. Walang pwedeng maging higit pa sa regalong ibinigay na libong taon na ang nakararaan at hindi ito pwedeng tawaran ng kahit na ano pa mang mamahaling regalo, makulay na bahay, kalsada, gusali at mga puno. Ito ang pinakamasaya, masarap, makulay, magara, at mamahaling regalo na natanggap ko sa buong buhay ko at alam ko sa pagdaan pa ng marami pang taon mas lalo pa ang saya at kulay na idudulot nito sa akin.

Kaya taos ang aking pasasalamat sa sanggol na ito sa regalong kanyang ibinigay sa mismong araw ng kanyang kaarawan. Hindi ko kayang tumbasan ang regalong ito, ngunit alam kong kaya ko itong pahalagahan at ipamahagi sa iba. Alam kong hindi sapat ang buhay ko upang maging kapalit nito, kaya higit sa anu pa man masaya akong naunawaan ito. At kung uulitin man ang buhay ko alam ko at sigurado ako ayokong mapunta sa posisyon ng ibang tao, ito uli ang buhay na pipiliin ko at ganito ko pa rin gustong maranasan ito.

Salamat sa panibagong saya at kulay para sa espesyal na araw mo sa taong ito, at ang nais ko ay ang ipagdiwang ito na ikaw ang kasama ko, gusto ko nasa mga bisig mo lang ako at yakap mo dahil hindi sapat ang buhay ko para maipakita sayo kung gaano ako kasaya na nakilala kita. Hindi sapat ang buhay ko para mahalin ka at maging ipakita sayo kung gaano ako nagpapasalamat.

December 03, 2010

Bata o Matanda?

Hindi  kailangang maging matandang-matanda para masbing Matured at hindi  rin kailangang maging batang-bata para masabing Childish. Dahil hindi lahat ng matanda ay Matured gaya ng hindi lahat ng bata ay Childish. 

Madaming nagsasabi na ang tao para masabing matured dapat mag grown-up, pero paano gugustuhin ng isang bata na mag grown-up agad kung sa tingin naman nya kasisimula palang ng mga masayang araw nya bilang bata.  Napakakomplikado ng mga ganitong klasing tanong pero saan ba kasi applicable ito? at bakit ba kasi kailangan na i-apply ito sa buhay? 

Mas madali nga naman ang buhay kung hahayaan lang ng tao na mag-flow ito ng dere-derecho. Kaso nga hindi ganun, gaano man gustuhin ng tao na maging madali lang ang buhay hindi naman yon ang nagiging basihan. Gaya nalang ng kahit gaano natin gustuhin na yong mga taong nakapaligid satin ay maging matured enough para sa mga disisyon nila hindi naman ganun yon kadali. 

It takes life time para matoto tayo at yon ang totoo, kaya lang hindi yon tanggap sa society dapat oras na lumagpas ka sa edad nang pagiging bata, automatic dapat matured ka na agad. Bawal na yong pagiging isip bata at makasarili. Mas prepared ng lipunan na oras na tumungtong na sa tamang edad ang isang tao, ay dapat maalam na sya sa buhay. 

Pero subukan mong isa-isahin ang mga tao sa lipunan at gawan ng survey kung ano ang gusto nila. Maging bata o matanda? for sure hindi ka makakakuha ng lalamang. Bakit? kasi hindi lahat gustong maging bata or matanda lang. Lahat ng tao nag-aasam umusad at walang gusto na mai-stock lang sila. 

Paano? 

Isipin mo isa kang bata na walang muwang sa mundo, sa kung anong pwedeng mangyari sa buhay mo sa hinaharap. But unfortunately hindi ganun kasimple ang buhay para sayo, maaga kang naulila sa ama, at iyong ina naman ay halos kulang nalang magpatiwakal na rin dahil sa apat kayong magkakapatid na bigla ay sya lang ang inaasahan. Hindi ganun kayaman ang tatay mo bago namatay sa katunayan pa nga nyan may limang daan peso pa syang utang sa tindahan ng kapitbahay gawa ng kinapos yong sahod nya nung nakaraang linggo. Pero dahil ikaw ang pinakamatanda sa inyong apat ayawan mo man o gustuhin kilangang magpakatatag ka para sa iyong mga kapatid at natitirang magulang. Ngayon kung ito ang buhay mo gugustuhin mo pa bang maging bata? 

Kung isa ka namang ama at sa tingin mo ay maayos naman ang buhay ng iyong pamilya dahil sa subsob ka sa trabaho at lahat ng kailangan ng iyong asawa at anak ay naibibigay mo at sa tingin mo naman ay sila na ang pinakamaswerte sa buong buhay nila dahil sayo, pwes napakabuti mo nga. But unfortunately hindi lahat ng mabuting tao, mabuti rin ang natatanggap. Umuwi ka ng bahay galing sa nakakapagod at sobrang stressful na trabaho sa buong maghapon at nadatnan mo na may kaguluhan sa iyong magarang tahanan, at bakit? ayon napag-alaman mo na ang kaisa-isang anak mong babae ay ngayon nagdadalang tao, at hindi pa yon hindi nya mahagilap ang taong kasabwat sa krimen na ito. Laglag ang balikat at sobrang sama ng loob ngunit dahil sa isa ngang mabait na ama, tinanggap at niyakap mo ang resulta ng artistic mong anak. Ngunit kung akala mo ganun lang yon mali pala, dahil pagkatapos lang ng isang linggo nagpapaalam na ang iyong asawa dahil sa hindi ka na daw nya kaya pang pakisamahan kahit kailan, nagsasawa na daw sya na intindihin ka, at wala na daw syang pagmamahal para sayo, eto pa bago pa daw tuluyang mawalan pati yong natitira nyang respeto para sayo nagsabi sya na pabayaan mo na syang umalis at gawin ang gusto nya sa buhay nya. Isa pa after two days pumunta ka sa kulungan para dalawin ang anak mong lalaki dahil nahuli sya at ang mga kaibigan nya sa salang pangagahasa sa isang minor de-edad na batang babae. Ngayon ang tanong kung alam mo ba na magiging ganito ang buhay mo noong bata ka pa gugustuhin mo bang Tumanda pa?

Paano naman kung isa kang nilalang na nasa gitna ng pagiging bata at matanda? in other words teenager, wow! di ba sabi nila ang stage na ito  ang pinakamasayang experience sa buhay, at totoo sa totoo masaya naman talaga. Dahil sa ganitong edad hindi ka na musmos at pwede ka ng lumakad kasama ng maraming mga kaibigang unti-unti ay nagiging malaking parte ng buhay. Pero nagising ka na isang umaga sa pagkakaalam na may-buhay na nagsisimulang sumibol sa iyong sinapupunan. Anong nangyari isa ka palang labing-anim na taong tao, hindi ka pa handa, hindi ka pa sigurado sa buhay, isa ka palang paalasa sa kung ano ang meron ang mga magulang mo, pero eto ka maydalang responsibilidad. Sa murang edad kinaialangan mong harapin ang bunga ng isang desisyong hindi mo naman masyadong pinag-isipan pero andito ka na ayaw mo namang gumawa ng isa pang maling desisyon, kaya kahit hindi ka handa hinarap mo ng buong takot, pangamba, panlulumo, at tiyaga. Dahil yon lang ang kayang ibigay ng isang taong tulad mo. Hindi ka matapang, dahil sa hinarap mo ang bunga ng desisyon mo kundi kinailangan mong maging dahil wala kang pwedeng ipanghina sa mga ganitong sitwasyon. Ngayon ang tanong gugustuhin mo pa bang tumanda, sakabila ng mga bagay na kakaharapin mo? Sa mahirap at walang kasigurohang buhay? O gusto mo pa bang maging bata, para matakasan at maging makasarili upang hindi ka na masaktan?

Hindi naman kailangang sagutin ang mga tanong na ito sa totoo lang, dahil sa mga sitwasyong ito wala kang choice kundi humarap. Bawal magtago dahil walang pwedeng taguan, bawal mag-edit dahil non-editable na ang mga nagawa mo. Ang pwede lang ay magpakatatag sa pagharap, kahit na mas gusto mong manghina at manlumo nalang sa isang tabi. Kahit pa gusto mong umiyak nalang ng umiyak hanggang maubos na ang lahat ng tubig sa katawan mo at kahit pawis hindi ka na makaranas pa. 

Hope for the best yan ang sasabihin sayo ng mga mga tao pag nakita ka nila sa ganitong sitwasyon pero sinong lolokuhin mo at sasabihang "yeah, that's what i need" dahil sa loob mo hindi yon ang gusto mo pa rin. Ayos lang wala naman talagang magsasabi ng totoo dahil lahat gustong umasa. At yon lang ang pwede.

Kaya mapabata ka man o matanda hindi na yon ang mahalaga, ang mas importante alam mo ang halaga ng buhay mo kahit madapa ka man ng liblong beses.







December 01, 2010

Pangarap at Pag-asa

Isa, dalawa, tatlo, apat......umabot na nga ata ng Dalawampu, pero eto patuloy pa ring umasa. Hindi naman masamang umasa, sa katunayan nga nyan masarap  ang umasa kahit minsan nakakapagod na. Ilang beses ba dapat umasa ang isang tao at mabigo? May nakakaalam ba na kung aasa sya ngayon sigurado bukas makukuha nya ang kanyang inaasahan? syempre wala di ba? 

Pero dahil sa likas na sa tao na maging palaasa, kahit pa wala namang dapat ipag-asa, ayun nakukuha tuloy laging umasa. Sa totoo lang ang pag-asa at pangarap ay dalawang bagay na kahit kailan ay hindi mo pwedeng paghiwalayin. Hindi ka pwedeng mangarap ng hindi umaasa na maaabot mo ang iyong pangarap, kaya nga ang taong walang pag-asa ay walang pangarap.  

Simple lang di ba? Pero minsan ang akala mong simple lang at kaya-kayang mo ang syang nagiging pinakamahirap at masakit na karanas mo. Ayaw mo mang aminin at patuloy mo mang ignorahin ganun at ganun pa rin ang epekto nun. 

Hindi naman bawal ang mabigo, sakatuyan nga yan sa pagkabigo madalas nakukuhang matoto ng Tao, pero syempre hindi lahat ng tao na nabibigo agad-agad natototo, minsa umaabot pa nga ng nth times bago matoto. Pero ayos lang basta ang importante natoto. Sabi nga ng marami basta ang importante ay yung mahalaga. Kaya dapat sa bawat pagkabigo kahit ilang beses pa yan matoto ka. 

Ang pag-abot ng pangarap ay hindi madaling pag-asa, pero wala naman talagang madali lahat nga mahirap eh. Aminin mo man o hindi kahit nga pagmulat lang ng mata sa umaga hindi sya madaling gawin. Pero lahat naman ng bagay kahit anong hirap natototonan basta determinado ka lang at hindi nawawalan ng pag-asa. 

Hindi ibig sabihin na hindi mo naabot ang pangarap mo sa punto na to ng iyong buhay ay titigil ka na sa pag-asa. Dahil kong napapansin mo hindi rin naman tumitigil ang mundo sa pag-ikot. pwede ka sigurong huminto sa pag-asa, pero isipin mo nalang paano ka makakaikot kasabay ng mundo kung tumigil ka ng mangarap at umasa. Dahil ang pag-asa at pangarap ang magpapanatili sayo na umikot kasabay ng mundo. Ano nga naman ba ang silbi ng mundong umiikot kung wala namang pangarap at pag-asa na magsisilbing baterya mo sa pag-ikot.  

Hindi lahat ng tao na umaasa ay nakakatupad ng pangarap. Lumingon ka sa palagid mo, isa-isahin mo ng tingin ang mga taong nadaraanan mo, at mapapansin mo na ang bawat isa ay may ibat-ibat reaksyon. Patunay na ang buhay ng tao ay may kanya-kanyang destinasyon. Maaring nangarap at umasa ka ngunit hindi ito natupad. Pero sa tingin mo ba pagkatapos mong mabigo sa pangarap mo natoto ka na? kung ang sagot mo ay uo pwes hindi ka talaga bigo, dahil ang pagkabigo mo ay may-aral na magsisilbing panibago mong pag-asa upang muling mangarap at tuparin ito. 

Kaya ang panibago mong pag-asa ay may hatid na panibagong pangarap na magbibigay ng panibagong determinasyon at magpapanatili sa pag-ikot mo sa mundo hanggang sa marating ng buhay ang destinasyon na nakalaan para sayo.