December 01, 2010

Pangarap at Pag-asa

Isa, dalawa, tatlo, apat......umabot na nga ata ng Dalawampu, pero eto patuloy pa ring umasa. Hindi naman masamang umasa, sa katunayan nga nyan masarap  ang umasa kahit minsan nakakapagod na. Ilang beses ba dapat umasa ang isang tao at mabigo? May nakakaalam ba na kung aasa sya ngayon sigurado bukas makukuha nya ang kanyang inaasahan? syempre wala di ba? 

Pero dahil sa likas na sa tao na maging palaasa, kahit pa wala namang dapat ipag-asa, ayun nakukuha tuloy laging umasa. Sa totoo lang ang pag-asa at pangarap ay dalawang bagay na kahit kailan ay hindi mo pwedeng paghiwalayin. Hindi ka pwedeng mangarap ng hindi umaasa na maaabot mo ang iyong pangarap, kaya nga ang taong walang pag-asa ay walang pangarap.  

Simple lang di ba? Pero minsan ang akala mong simple lang at kaya-kayang mo ang syang nagiging pinakamahirap at masakit na karanas mo. Ayaw mo mang aminin at patuloy mo mang ignorahin ganun at ganun pa rin ang epekto nun. 

Hindi naman bawal ang mabigo, sakatuyan nga yan sa pagkabigo madalas nakukuhang matoto ng Tao, pero syempre hindi lahat ng tao na nabibigo agad-agad natototo, minsa umaabot pa nga ng nth times bago matoto. Pero ayos lang basta ang importante natoto. Sabi nga ng marami basta ang importante ay yung mahalaga. Kaya dapat sa bawat pagkabigo kahit ilang beses pa yan matoto ka. 

Ang pag-abot ng pangarap ay hindi madaling pag-asa, pero wala naman talagang madali lahat nga mahirap eh. Aminin mo man o hindi kahit nga pagmulat lang ng mata sa umaga hindi sya madaling gawin. Pero lahat naman ng bagay kahit anong hirap natototonan basta determinado ka lang at hindi nawawalan ng pag-asa. 

Hindi ibig sabihin na hindi mo naabot ang pangarap mo sa punto na to ng iyong buhay ay titigil ka na sa pag-asa. Dahil kong napapansin mo hindi rin naman tumitigil ang mundo sa pag-ikot. pwede ka sigurong huminto sa pag-asa, pero isipin mo nalang paano ka makakaikot kasabay ng mundo kung tumigil ka ng mangarap at umasa. Dahil ang pag-asa at pangarap ang magpapanatili sayo na umikot kasabay ng mundo. Ano nga naman ba ang silbi ng mundong umiikot kung wala namang pangarap at pag-asa na magsisilbing baterya mo sa pag-ikot.  

Hindi lahat ng tao na umaasa ay nakakatupad ng pangarap. Lumingon ka sa palagid mo, isa-isahin mo ng tingin ang mga taong nadaraanan mo, at mapapansin mo na ang bawat isa ay may ibat-ibat reaksyon. Patunay na ang buhay ng tao ay may kanya-kanyang destinasyon. Maaring nangarap at umasa ka ngunit hindi ito natupad. Pero sa tingin mo ba pagkatapos mong mabigo sa pangarap mo natoto ka na? kung ang sagot mo ay uo pwes hindi ka talaga bigo, dahil ang pagkabigo mo ay may-aral na magsisilbing panibago mong pag-asa upang muling mangarap at tuparin ito. 

Kaya ang panibago mong pag-asa ay may hatid na panibagong pangarap na magbibigay ng panibagong determinasyon at magpapanatili sa pag-ikot mo sa mundo hanggang sa marating ng buhay ang destinasyon na nakalaan para sayo.

No comments:

Post a Comment