Hindi kailangang maging matandang-matanda para masbing Matured at hindi rin kailangang maging batang-bata para masabing Childish. Dahil hindi lahat ng matanda ay Matured gaya ng hindi lahat ng bata ay Childish.
Madaming nagsasabi na ang tao para masabing matured dapat mag grown-up, pero paano gugustuhin ng isang bata na mag grown-up agad kung sa tingin naman nya kasisimula palang ng mga masayang araw nya bilang bata. Napakakomplikado ng mga ganitong klasing tanong pero saan ba kasi applicable ito? at bakit ba kasi kailangan na i-apply ito sa buhay?
Mas madali nga naman ang buhay kung hahayaan lang ng tao na mag-flow ito ng dere-derecho. Kaso nga hindi ganun, gaano man gustuhin ng tao na maging madali lang ang buhay hindi naman yon ang nagiging basihan. Gaya nalang ng kahit gaano natin gustuhin na yong mga taong nakapaligid satin ay maging matured enough para sa mga disisyon nila hindi naman ganun yon kadali.
It takes life time para matoto tayo at yon ang totoo, kaya lang hindi yon tanggap sa society dapat oras na lumagpas ka sa edad nang pagiging bata, automatic dapat matured ka na agad. Bawal na yong pagiging isip bata at makasarili. Mas prepared ng lipunan na oras na tumungtong na sa tamang edad ang isang tao, ay dapat maalam na sya sa buhay.
Pero subukan mong isa-isahin ang mga tao sa lipunan at gawan ng survey kung ano ang gusto nila. Maging bata o matanda? for sure hindi ka makakakuha ng lalamang. Bakit? kasi hindi lahat gustong maging bata or matanda lang. Lahat ng tao nag-aasam umusad at walang gusto na mai-stock lang sila.
Paano?
Isipin mo isa kang bata na walang muwang sa mundo, sa kung anong pwedeng mangyari sa buhay mo sa hinaharap. But unfortunately hindi ganun kasimple ang buhay para sayo, maaga kang naulila sa ama, at iyong ina naman ay halos kulang nalang magpatiwakal na rin dahil sa apat kayong magkakapatid na bigla ay sya lang ang inaasahan. Hindi ganun kayaman ang tatay mo bago namatay sa katunayan pa nga nyan may limang daan peso pa syang utang sa tindahan ng kapitbahay gawa ng kinapos yong sahod nya nung nakaraang linggo. Pero dahil ikaw ang pinakamatanda sa inyong apat ayawan mo man o gustuhin kilangang magpakatatag ka para sa iyong mga kapatid at natitirang magulang. Ngayon kung ito ang buhay mo gugustuhin mo pa bang maging bata?
Kung isa ka namang ama at sa tingin mo ay maayos naman ang buhay ng iyong pamilya dahil sa subsob ka sa trabaho at lahat ng kailangan ng iyong asawa at anak ay naibibigay mo at sa tingin mo naman ay sila na ang pinakamaswerte sa buong buhay nila dahil sayo, pwes napakabuti mo nga. But unfortunately hindi lahat ng mabuting tao, mabuti rin ang natatanggap. Umuwi ka ng bahay galing sa nakakapagod at sobrang stressful na trabaho sa buong maghapon at nadatnan mo na may kaguluhan sa iyong magarang tahanan, at bakit? ayon napag-alaman mo na ang kaisa-isang anak mong babae ay ngayon nagdadalang tao, at hindi pa yon hindi nya mahagilap ang taong kasabwat sa krimen na ito. Laglag ang balikat at sobrang sama ng loob ngunit dahil sa isa ngang mabait na ama, tinanggap at niyakap mo ang resulta ng artistic mong anak. Ngunit kung akala mo ganun lang yon mali pala, dahil pagkatapos lang ng isang linggo nagpapaalam na ang iyong asawa dahil sa hindi ka na daw nya kaya pang pakisamahan kahit kailan, nagsasawa na daw sya na intindihin ka, at wala na daw syang pagmamahal para sayo, eto pa bago pa daw tuluyang mawalan pati yong natitira nyang respeto para sayo nagsabi sya na pabayaan mo na syang umalis at gawin ang gusto nya sa buhay nya. Isa pa after two days pumunta ka sa kulungan para dalawin ang anak mong lalaki dahil nahuli sya at ang mga kaibigan nya sa salang pangagahasa sa isang minor de-edad na batang babae. Ngayon ang tanong kung alam mo ba na magiging ganito ang buhay mo noong bata ka pa gugustuhin mo bang Tumanda pa?
Paano naman kung isa kang nilalang na nasa gitna ng pagiging bata at matanda? in other words teenager, wow! di ba sabi nila ang stage na ito ang pinakamasayang experience sa buhay, at totoo sa totoo masaya naman talaga. Dahil sa ganitong edad hindi ka na musmos at pwede ka ng lumakad kasama ng maraming mga kaibigang unti-unti ay nagiging malaking parte ng buhay. Pero nagising ka na isang umaga sa pagkakaalam na may-buhay na nagsisimulang sumibol sa iyong sinapupunan. Anong nangyari isa ka palang labing-anim na taong tao, hindi ka pa handa, hindi ka pa sigurado sa buhay, isa ka palang paalasa sa kung ano ang meron ang mga magulang mo, pero eto ka maydalang responsibilidad. Sa murang edad kinaialangan mong harapin ang bunga ng isang desisyong hindi mo naman masyadong pinag-isipan pero andito ka na ayaw mo namang gumawa ng isa pang maling desisyon, kaya kahit hindi ka handa hinarap mo ng buong takot, pangamba, panlulumo, at tiyaga. Dahil yon lang ang kayang ibigay ng isang taong tulad mo. Hindi ka matapang, dahil sa hinarap mo ang bunga ng desisyon mo kundi kinailangan mong maging dahil wala kang pwedeng ipanghina sa mga ganitong sitwasyon. Ngayon ang tanong gugustuhin mo pa bang tumanda, sakabila ng mga bagay na kakaharapin mo? Sa mahirap at walang kasigurohang buhay? O gusto mo pa bang maging bata, para matakasan at maging makasarili upang hindi ka na masaktan?
Hindi naman kailangang sagutin ang mga tanong na ito sa totoo lang, dahil sa mga sitwasyong ito wala kang choice kundi humarap. Bawal magtago dahil walang pwedeng taguan, bawal mag-edit dahil non-editable na ang mga nagawa mo. Ang pwede lang ay magpakatatag sa pagharap, kahit na mas gusto mong manghina at manlumo nalang sa isang tabi. Kahit pa gusto mong umiyak nalang ng umiyak hanggang maubos na ang lahat ng tubig sa katawan mo at kahit pawis hindi ka na makaranas pa.
Hope for the best yan ang sasabihin sayo ng mga mga tao pag nakita ka nila sa ganitong sitwasyon pero sinong lolokuhin mo at sasabihang "yeah, that's what i need" dahil sa loob mo hindi yon ang gusto mo pa rin. Ayos lang wala naman talagang magsasabi ng totoo dahil lahat gustong umasa. At yon lang ang pwede.
Kaya mapabata ka man o matanda hindi na yon ang mahalaga, ang mas importante alam mo ang halaga ng buhay mo kahit madapa ka man ng liblong beses.
No comments:
Post a Comment