January 15, 2011

Habang Tumatagal (2)

... Isang linggo na simula ng dumating ang transfer student na galing daw sa ibang bansa, ngunit para pa rin itong celebrity sa dami ng nagkakagalu sa tuwing darating ito sa loob ng eskwelahan. Para lahat ata ng mga estudyante gustong magpapasin dito. Uo nga at bawat classroom sa maliit ngunit respitado naming paaralan ay sinabihan na itrato ng maayos ang darating na transferee student ilang araw bago ito sumulpot sa aming paaralan. Ngunit sa aking pananaw ay napaka-OA na ng paligid. Pwede naman kasing isang araw lang, pero umabot na ngayon sa isang linggo. Naisip ko tuloy hindi ba natatakot ang taong ito sa kawerdohan ng mga tao dito sa aming eskwelahan o talagang sanay lang sya na nasa kanya ang lahat ng atensyon. Ngunit sa isang banda naawa naman ako sa kanya dahil parang tila nahihirapan din sya at hindi komportable sa aming paaralan. 

Pwede makiupo? tanong ng mala-angel na tinig na pumukaw sa layo ng aking iniisip.
Su...sure, nautal ko pang sagot sa kanya.
Thanks, sabi nya sabay upo sa may bakanteng upuan sa aking tapat.
Bakit parang malalim ata ang iniisip mo? tanong nya muli sa akin.
Hindi naman naisip ko lang yong lesson kanina sa Math medyo kumplekado kasi eh. pagkakaila ko sa tunay na tumatakbo sa aking isip.

Nga pala ako si Mich... Michelle, sabi nya sabay abot ng kamay na para bang ngayon lang kami nagkita at magkakilala. Hindi ba sya aware na lahat ng tao na nakapaligid sa kanya ay kilala na sya?
John, sagot ko sabay abot ng aking kamay. Na inabot naman nya at ngkipag-shake hands.

So, John totoo pala ang balita na magaling kang estudyante ha? sabi nya matapos makipagkamay.
Hindi naman nag-aaral lang ng mabuti siguro, sagot kong hindi tumitingin sa kanya dahil pakiramdam ko bigla akong nahiya sa presensya nya.
Naku naman pa-humble ka ba dyan. Pero alam mo tingin ko magaling ka talaga, hindi lang magaling, mukhang mabait din. nakangiti nyang sabi sakin.
Napangiti lang ako sa mga sinabi nya at itinuon ang aking buong atensyon sa pagkaing nasa plato ko. (nasa canteen nga pala ako dahil lunch break at naiwan ko ang aking lunch box sa bahay kaya ito  napilitan akong bumili at kumain sa school canteen) 

Ilang minuto pa ang lumipas tahimik lang kaming kumakain.

So, pwede mo ba akong gawan ng favor, John? muli ay tanong nya.
Anong favor naman yon? 
Kilanagan ko kasi ng taong mag-tuturo sakin ng pasikot-sikot sa lugar na ito. At naisip ko baka pwedeng ikaw?
Bakit ako? naghihinalang tanong ko sa kanya.
Dahil may nakapagsabi sa akin na marami kang alam tungkol sa lugar na ito, kaya ikaw... isa pa mukha ka kasing mapagkakatiwalaan.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sayo Mich, sa totoo lang hindi naman talaga ako palalabas ng bahay namin kaya baka nagkamali lang yong nagkwento sayo. 
Ganun ba? loko yong nagsabi na yon ah! Akalain mo yon eh hindi mo naman pala kabisado ang lugar na ito tapos sayo ako itinuro.
Naku pagpasinsyahan mo nalang yong nagsabi sayo nun, natatarantang sabi ko naman at iniangat ko ang aking ulo mula sa plato patingin sa kanyang mukha na sa aking pagkagulat ay hindi naman mukhang galit, nakangiti pa nga eh. At nang magsalubong ang aming mata bigla nalang ay tumawa siya. Nagulat ako ang nagtataka sa kung bakit sya ganun. Ngunit sandali pa at tumatawa na rin akong tulad nya. 


Natapos ang Lunch break namin na puno ng saya, at sa totoo lang napagaan sa pakiramdam. Madami rin naman akong kaibigan ngunit na nakakasama at nakakakwentuhan ngunit ngayon lang ako nakatagpo ng kakwentuhang nakakagaan ng pakiramdam. Madami-dami rin kaming napag-usapan at nagkasundo rin kami na sasamahan ko sya na mamasyal sa ibat-ibang lugar sa aming bayan. 


Mabilis lang lumipas ang oras, uwian na nang hindi ko namamalayan. Seroyoso din kasi ang aming mga guro sa pagtuturo kaya eager akong nakinig at buong atensyong sinundan ang lecture. Nakatayo ako sa may gate ng may pumalo sa aking balikat, paglingon ko nakta ko si Mich na nakatyo malapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sabay kaming lumakad patungo sa sakayan ng tricycle sa may paglagpas lang ng plaza.


Simula ng araw na iyon madalas na kaming magkasama ni Michelle sa lunchbreak, uwian at minsan maging sa pagpasok ay nagkakasabay din kami. Dahil malapit lang ang bahay nila sa amin. Pag-aari ng pamilya nila ang pinakamalaki at pinakamagandang bahay sa aming lugar, ang pamilya nila ang may-ari ng pinakamalaking sakahan sa amin. Lolo nya ang aming mayor at ang tatay nya ang nag-iisa nitong anak. Lumaki sya sa siyudad, at hindi sa ibang bansa na ikinalat ng marami. Uo nga na bago sya lumipat sa aming school ay galing sya sa isang eskwelahan sa amerika ngunit hindi naman daw sya doon lumaki. Nasa 7th grade na daw sya ng mag-aral sya sa Amerika dahil kinailangang tumira sila doon pansamantala, Hindi naman nya nasabi sa kung anong dahilan at hindi ko na rin inungkat pa. At mula noon naging mabuting magkaibigan kaming dalawa. Sa bawat araw na lumilipas lalo ko syang nakikilala at lalo akong nagiging malapit sa kanya. 


Lumipas ang mga araw, buwan at madami na ang nagbago. Nagkaroon ako ng isang mabait na kaibigan sa hindi ko inaasahang pagkakataon, mas naging madali ang bawat mga lesson ko sa loob ng klase dahil may kasama na akong sa pagre-review at pagtambay sa library, magaan ang takbo ng lahat. Isa lang ang hindi ko gusto sa mga nangyayari, binibigyan ng kulay ng marami ang mabuti naming pagkakaibigan ni Mich. Madalas tampulan kami ng mga tuksuhan sa loob at labas ng paaralan. Minsan pa nga kinausap ako ng masinsinan ng aking Tatay tungkol doon. Sinabi nya sa akin na unahin ko muna daw ang pag-aaral bago ang pakikipagrelasyon dahil masyado pa daw akong bata. At nang sasabihin ko na ang side ko sa kanya, agad nyang sinabi sakin na, matulog na ako at may pasok pa kinabukasan, sabay talikod at pasok sa kanilang silid.


Sakabila ng mga panunukso at mga tsimis na kumakalat sa aming bayan tungkol sa aming dalawa ni Mich, nagkasundo kami na wag nalamang iyong pansinin...

No comments:

Post a Comment