January 25, 2011

Bawat tao may kanya-kanyang pagkakakilanlan. Nasa tao nalang kung paano nya ipakikilala ang sarili nya. Minsan sa buhay dumarating ang hindi maipaliwanag na identity problem na yan, maswerte ka pag sigurado ka na kilala mo talaga ang sarili mo, pero isa ka sa malas kung wala kang masabi tungkol sa sarili mo. 

Naalala ko noong nasa mataas na paaralan pa ako, tuwing unang araw ng klase, sa bawat aralin dapat magpakilala ang bawat isa sa harapan. Nahinto nalang ata iyon noong huling taon na namin, siguro kasi naisip ng mga guro kilala na nila kami at kilala na rin namin ang bawat isa sa loob ng silid-aralan at maging sa kabilang mga silid aralan pa. 

Nakakatuwa lang dahil kapansin-pansin na sa bawat pagpapakilala ibat-ibang klase ng ekspersyon ang makikita mo. May panay ang ikot ng kamay sa likod habang nagsasalita, may nakatungo, may sobrang makangiti, may parang kasali sa Bb. Pilipinas, may parang natutulala, may nagpapakwela, may naiiyak, may nakaharap sa bintana, may nakatingin sa kisame, may hindi marinig, meron pa nga tumakbo palabas at umuwi sa bahay. 

Inisip ko noon para saan ba kasi at dapat pa na magpakilala sa harapan? Sigurado naman na darating din ang araw na sa ayaw at sa gusto mo makikilala mo rin ang mga kamag-aral mo. Saka karamihan din naman doon kaklase na namin noong nasa mababang paaralan pa kami, kaya siguradong magkakakilala na.

Pero ngayon matapos ang maraming taon simula ng magtapos kami sa mataas na paaralan at mauso ang FB, napag-alaman ko na hindi pala talaga lahat makikilala mo. Habang ginagawa ko ang blog na ito ngayon, meron akong friend request sa FB na isang buwan ko ng inisip kung sino, mutual friend namin yong mga dating kamag-aral sa high school at parehas din kami ng taon ng pag-graduate pero nakapagtataka hindi ko sya matandaan.

Akala ko noon sa buong paaralan ako na yong pinaka hindi kilala, wala naman kasi akong masyadong kaibigan at hindi rin ako mahilig sa lakwatsa (Sige na nga mahilig akong maglakwatsa pero mag-isa lang sakay ng aking malaking bike). Isa pa sa pag-kakaalam ko din kilala ko ang bawat tao sa aming batch kala ko lang pala yon. Sabi ko pa nga minsan sa sarili ko sigurado pag-graduate ko ng high school wala ng makaka-alala sa akin pero sila makikilala at matatandaan ko pa rin. Hindi naman ako nagkamali dahil may mga pagkakataon na nakakasalubong ko at minsan pa nga nakakausap sila pero hindi nila alam na parehas kami ng eskwelahan noong sekondarya. Ngunit ito nga at may hindi pala ako matandaan (salamat sa FB sa pagmulat sa aking nakasaradong kaisipan).  

Karamihan sa bawat kabataan (well sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang statistic kasi hindi naman ako naggawa ng formal survey para dito) dumarating sa identity problem na yan (siguro, dahil ako YES dumaan ako sa ganya) yong tipong hindi ka sure kung ano ba talaga ang pagkakakilanlan sayo at kung anong function mo ba dapat. At ang nakakalungkot lang kahit ba tila aware naman ang lipunan natin sa suluraning ganya ay kung bakit parang hindi naman nasosolusyunan.

Ang tanong ko lang naman ay bakit nga ba nagiging problema yan? Bakit napapaisip ang isang kabataan sa kung ano ba sya? Bakit walang magsabi at mag-assured sa kanya kung ano sya? Usaping pang pamilya ba yan o talagang ganyan dapat?

Ang hindi kasi matanggap ng aking makitid na pang-unawa ay ang punto na sa dami ng ganitong problema kapansin-pansin din ang paglala at pagdami ng mga kabataang nawawalan ng magandang kinabukasan dahil lang sa simpleng hindi pagkakauwa sa mga nangyayari sa kanya. Nasasayang ang buhay na kung tutuusin ay madaming pwedeng maging oportunidad. Tuloy imbes na maliit lang ang problema nagiging parang higante na sya kalaunan. Kung sa umpisa palang siguro naipakita na sa bata kung ano sya at kung gaano kahalaga sya baka sa umpisa palang din napahalagahan at nayakap na nya ang magandang buhay na naghihintay sa kanya. Hindi ko alam pero bata pa ako tumatak na sa isip ko na ang wikang "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN" ni gat Jose Rizal. Alam kong sadsad at niluma na ito ng panahon pero ako nanatiling naniniwala na kung ang bawat isang kabataan ay mabibigyan ng pantay, husto at makatarungang pagkakataon, magagawa nya at maipapakita nya kung ano ang kalakip na katotohanan sa mga salitang ito. 

Hindi ko alam kung ano ang side mo, o kung paano mo titignan ang blog na ito pero ako, naniniwala ako na kung magtatanim tayo ng tama para sa susunod na henerasyon, malamang bago ako pumanaw sa mundo makikita ko ang pag-asa at ngiti sa mukha ni Juan Dela Cruz. 




January 23, 2011

Habang Tumatagal (4)

Nalilito man ako sa aking narinig pagdating sa aming bahay ay nagpasya akong wag na itong ungkatin pa. Naisip ko kasi wala rin naman mangyayari kong magtatanong pa ako at sigurado rin ako sa aking sarili na alam ng aking ama kung ano ang makakabuti para sa akin. Kaya ano man yong pina-usapan nila ni mayor labas na ako doon.

Unti-unti sa paglipas pa nang panahon natanggap ko na hindi na talaga magkakaroon ng pagkakataon na magkita kami ni Mich sa huling taon ko sa high school at baka kahit hanggang sa mag-college na ako hindi na talaga kami makapag-usap muli dahil natanggap ko na ang sulat na nagsasabing nakapasa ako sa UPCAT at kailangan ko nang magsubmit ng mga requirements ko. Ok na rin kila Nanay at Tatay, kahit noong una hindi payag si nanay kasi napakalayo daw ng UP sa bahay namin at wala daw kaming mga kamag-anak sa maynila na pwede kong tirahan. Ngunit sa bandang huli nakumbinsi rin namin sya ni Tatay. May kaibigan kasi si Tatay na nag-papaboard malapit sa UP kaya doon daw ako tutuloy. 

Sa araw ng graduation namin excited ang lahat pero ako parang hindi naman masyado, sabi nga nila parang seryoso pa nga daw ang mukha ko. Biniro pa nga ako ni Kuya Bobot baka daw graduation na eh nasa full-exam mode pa daw ako at ma-perfect ko pa ang graduation. Napangiti naman ako doon.  Ito na ang simula ng unti-unti kong pag-abot sa aking pangarap nasabi ko sa sarili ko. Pagkatapos ng araw na ito mag-uumpisa muli ako ng panibagong yugto ng aking buhay, may takot man sa aking dibdib alam ko naman na kaya kong maabot anuman ang aking minimithi. Napatuyan ko na ang aking sarili sa aming lugar, ngayon tatanggapin ko ang karangalan na bunga ng aking apat na taong pagsisikap sa high school, ngayon ga-graduate ako bilang valedictorian ng aming batch at proud ako sa aking sarili at alam kong maging ang aking mga magulang. 


Nasa kalagitnaan ako ng aking talumpati ng mapatingin ako sa may malapit sa exit gate, napansin ko ang isang naka-wheelchair na matamang nagmamasid sa nagaganap na graduation. Nakatuon din sya sa aking pagsasalita sa gitna ng napakaraming tao. Hindi ko masyadong mamukha siya ngunit sa pagkakatingin kong iyon sa kanya ay tila may kung anong kirot sa aking dibdib. Tinapos ko ang aking talumpati na kulang na sa buhay sa bandang huli dahil naagaw na ng naka-wheelchair ang aking konsentrasyon. Matapos ang aking talumpati tumayo at pumalakpak ang lahat, at nang matapos ay muling nagsibalik sa kani-kanilang upuan ang mga tao, oras na kasi para sa pagtanggap ng aming diploma. Pagtingin ko muli sa may exit gate wala na ang naka-wheelchair, at hindi ko alam kung may nakapansin ba sa kanila maliban sa akin. Bumaba ako ng entablado at pumila sa aking hanay para sa pagkuha ng aking diploma, ngunit ukupado na nang naka-wheelchair ang aking isipan. Sino kaya sya? Ano kaya ang ginagawa nya sa araw na ito ng graduation? Bakit sya naka-wheelchair? Ano kaya ang sakit nya? Bakit parang kilala ko sya? Nagkita na ba kami? at kung ano pang mga tanong ang tumatakbo sa akong isipan. Natapos ang serimonya para aming pagtatapos ngunit nasa taong naka-wheelchair pa rin ang aking isip, hanggang sa aming pag-uwi sa aming bahay para sa konting salo-salo na inihanda ng aking mga magulang ay balisa pa rin ako dahil sa naka-wheelchair na iyon.


Pagkalipas ng isang linggo naghahanda na ako ng aking mga gamit dahil sa loob ng dalawang araw ay luluwas na kami ni tatay patungo sa maynila. Ihahatid na nya ako at tutulungan na ring magpa-endroll bago sya babalik dito sa aming lugar, tuturuan din daw nya ako ng mga pasikot-sikot upang hindi ako maging alalahanin sa kanyang kumapare. 


Tumigil ako sa pag-aayos ng aking bagahe at nagdesisyong maglakad-lakad sa labas, naisip ko kasi matagal din akong mawawala sa aming lugar kaya siguradong mami-miss ko ito ng sobra, isa pa ito ang unang pagkakataon na aalis ako rito at hindi ko pa rin sigurado kung ano ang daratnan ko sa aking pupuntahan. Naglakad ako hanggang sa umabot ako sa tapat ng bahay nila Mich, napansin ko na nakasarado pa rin ito gaya ng dati. Ilang buwan na kasi ang lumipas ng napabalita na ibinibenta na raw ito dahil hindi na daw balak tirahan ng pamilya nila Mich, si major naman ay sa kabilang baryo naninirahan kaya ayos lang na ibenta na raw ito kesa naman masira lang dahil walang gumagamit. Gawa siguro ng aking kuryosidad itinulak ko ang gate, at sa aking pagkagulat bumukas ito. Tumingin ako sa paligid at naniguradong walang tao na maaring makita sa akin sa pag-bukas ng gate at dali-dali akong pumasok. Maingat na isinara ko ang gate sa takot na may makahuli sa akin at isumbong ako kay major. Dahan-dahan ang aking paglakad dahil baka may biglang lumabas na tao kung saan at mabisto ako. Ngayon lang ako nakapasok dito, matagal kong naging kaibigan si Mich ngunit ni minsan ay hindi nya ako inayayahan dito. At namamangha ako sa ganda ng bakurang aking nakikita. Patuloy ako sa paglakad ng may maulingan akong nag-uusap sa may gawing kanan, kaya maingat na nagtungo ako doon. 


Sa tingin mo ba yaya, mabibili na itong bahay namin agad? tanong ng batang babae, na ang tinig ay hindi ako pwedeng magkamali. Kay Mich iyon, ibig sabihin andito si Mich, napangiti ako sa aking napagtanto.
Hindi ko pa alam, pero mamaya malalaman natin panigurado kung ano ang mangyayari. Sagot ng tinawag na yaya.
Pero ayoko pong umalis sa lugar na ito, masaya po ako dito, sabi pa muli ni Mich. Malapit na malapit na ang tinig at alam kong paglagpas ko lamang sa punong nasa aking harapan ngayon ay makikita ko nang muli si Mich.
Alam ko anak, ngunit hindi maari na mamalagi ka pa dito, patuloy pa ng kanilang usapan. Ngunit hindi ko iniintindi kong ano ang kanilang pinag-uusapan nakatuon ako sa isiping makikita ko si Mich muli. Huminga muna ako ng malalim bago ako dahan-dahan lumabas sa may likod ng puno. Nakita ko ang batang babaeng nakabalot ang ulo at nakaupo sa wheelchair. Ilang minuto akong naparalisa sa aking kinalalagyan, nakatingin lang ako sa walang kulay na mukha ng batang babae na nasa aking harapan, hindi ako makapaniwala na ang payat, matamlay, maputla, at nakangiting bata ay walang iba kundi ang aking kaibigang si Mich. 



January 18, 2011

Habang Tumatagal (3)

Naging smooth naman ang lahat saming dalawa ni Mich, wala naman kaming hindi napagkakasunduan at kung iisipan pa nga mas madami kaming pagkakatulad. 

Hindi ko na namalayan ang pagdaan ng panahon. Bakasyon na sa eskwelahan sa susunod na linggo, ngayon ang araw ang final-exam namin sa apat na subject at apat uli bukas at sa mga susunod na araw ay magpapapirma nalang kami ng clearance sa lahat ng mga teacher namin. Hindi naman naging mahirap ang exam, dahil lahat naman yon ay napag-aralan namin ni Mich noong nagreview kami sa library noong pang isang linggo. 

John! 
lumingon ako at nakita ko si Mich na papalapit sa aking kinatatayuan. Isang linggo na ang lumipas sa panahon ng bakasyon. Noong huling araw ng klase, nagpaalam sakin si Mich na sa Maynila daw sya magbabaksyon at babalik nalamang uli sa pasukan. Kaya laking gulat ko ng paglingon ko ay nakita ko si Mich na nakatayo malapit sa sakayan ng tricycle. 

Hi!, akala ko ba nasa Maynila ka? tanong ko sa kanya pagkalapit ko sa kinatatayuan nya.
Umuwi kasi si mommy kahapon and mag-stay daw sya for a week kaya ito sumama ako sa kanya. Isa pa wala naman akong gagawin sa manila samantalang dito kahit paano pwede tayong mamasyal kung libre ka. Mahaba nyang paliwanag. Ngumiti lang ako sa lahat ng sinabi nya na iyon.
John! ano ok lang ba? Tanong nya pa sakin.
Ang alin? balik tanong ko naman sa kanya.
Na mamasyal tayo?
Ah uo, naman syempre, ok na ok walang problema. mabilis kong sagot sa kanya.


Mag-iisang oras na akong naghihintay pero nakapagtataka wala pa rin si Mich.
Kanina pa dapat andito yong babaeng yon ha, ano na kayang nangyari dun? Tanong ko sa aking sarili sa sobrang pagkainip at pag-aalala na rin siguro. Tatlong araw na simula nang bumalik si Mich galing sa maynila at dapat ngayon ay magpupunta kami sa ilog sa kabilang baryo, ngunit ito nga at wala pa rin sya. Normally hindi naman yon nali-late pero ngayon nakakapagtaka lang bakit wala pa rin. Nag-antay pa ako ng isa pa uling oras bago nagpasyang umuwi, inisip ko nalang na baka may biglaang naging lakad kasama ang mommy nya.


Mabilis lumipas ang mga araw at natapos na ang bakasyon. Pasukan na uli sa susunod na linggo ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong balita tungkol kay Mich. Simulan nang araw na hindi sya nagpakita hindi pa uli kami nagkita. Nagpunta ako sa bahay nila ng sumunod na araw pa nga pero sabi ng katulong nila wala daw si Mich doon at hindi daw sila sigurado kung kailan babalik. Kaya ngayon umaasa ako na sa pagbukas ng klase sa susunod na linggo magkikita na uli kami upang malaman ko kung bakit hindi sya nakarating. Hindi naman masama ang loob ko, nag-alala lang talaga ako ng sobra sa hindi nya pagdating kung anu-ano kasi ang pumasok sa aking malawak na isipan.


Sa unang araw ng klase sa taong ito excited akong pumasok, una dahil last year ko na ito sa high school at kung papalarin makakuha ng scholarship sa UP matutupad na ang pangarap kong makapag-aral sa maynila. Ikalawa magkikita na uli kami ni Mich at pangatlo tinaasan ni Tatay ang allowance ko sa taong ito. 


Natapos ang unang araw ng klase, ngunit sa aking pagkadismaya wala pa rin si Mich at isa pang nakakapagtaka hindi rin tinatawag sa attendance ang pangalan nya. Anong ibig sabihin nun? hindi ba sya dito sa school namin papasok bilang 4th year high school? Sa maynila na ba uli sa mag-aaral? Hindi na ba uli kami magkikita? Hindi man lang ba uli kami magkakaroon ng pagkakataon na magkausap uli? Bakit ako tanong ng tanong? Bakit ako nag-aalala? Eh ano naman kung wala na si Mich, ganon naman talaga ang buhay may dumarating may umaalis? Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit puro Bakit? May makakasagot ba?


Makalipas ang 1st grading at nasa kalagitnaan na ng 2nd grading period pero pakiramdam ko hindi pa rin ako ok. Walang Mich na dumating at hindi ko alam kung bakit nanlumo ako sa bagay na iyon. Madami ang nakapansin na madalang na daw akong makipag-usap at makihalubilo sa mga kaibigan ko. Maging ang nanay at tatay ko ay nag-aalala na din dahil matamlay at kapansin-pansin daw na wala ako lagi sa mood, minsa pa nga daw tulala ako. Pero anong magagawa ko hanggang ngayon alala pa rin ako para kay Mich at hindi ko pa rin masagot ang mga bakit na tanong ko kahit na nga matagal na panahon na ang lumipas. 


Minsan isang araw byernes nagpunta ako sa munisipyo para daanan si tatay at sumabay pauwi sa kanya. Papasok na sana ako sa pinto ng office ng departamento nila ng narinig ko ang boses ni Mayor na nagsasalita. Tatalikod na sana ako upang hindi maka-istorbo at nagpasyang umuwi nalang ng mag-isa, ng marinig ko na binanggit ni major ang aking pangalan. Dahil siguro sa curiosity sa katawan ko bumalik ako ngunit hindi nagpakita nanatili lang ako sa pwesto ko kanina at matamang naghintay ng susunod na salita sa aking ama at kay mayor. 


Alam ko na mahirap para sayo ang hinihiling ko Joaquin, sabi uli ni mayor. Pero isipin mo kapag pumayag ka sa plano ko baka makatulong ito ng malaki sa anak mong si John, isa pa alam natin pareho na mabuti ang ating intensyon. patuloy pa ni mayor.
Ngunit sir, sabi ni itay. Hindi ko po sigurado kung papayag ang aking anak, nasa kalagitnaan din po ng klase at mahirap na ipaunawa sa kanyang batang isip ang nais ninyong mangyari. patuloy ni tatay. Pasensya na po sir pero mahirap po talaga ang hinihiling ninyo. patapos pa na sabi ng aking ama. At kasunod noon narinig ko ang hakbang patungo sa aking kinatatayuan. Dali-dali akong tumakbo at nagtago sa may isa pang basilyo. Nakita kong lumabas ang aking ama sa loob ng office nila at dali-daling nagtungo sa lobby ng munisipyo upang lumabas at marahil ay umuwi na. Kasunod lumabas din si mayor ngunit taliwas sa direksyon ng aking ama ang kanyang tinatahak, patungo sya sa direksyon kung saan naroon ako. Oh no! ito pala ang daan patungo sa pribadong opisina ni mayor, dali-dali akong kumilos humanap ako ng matataguan. Ewan ko ba kung bakit ako natataranta hindi naman dapat dahil wala naman akong ginagawang masama ngunit nagtago pa rin ako sa isang silid na bukas ang pinto. Nakita kong dumaan si mayor sa aking harapan dahil nakasilip ako sa awang ng pinto at ng marinig ko ang pagsara ng pinto dali-dali akong lumabas at nagmamadaling umuwi.

January 15, 2011

Habang Tumatagal (2)

... Isang linggo na simula ng dumating ang transfer student na galing daw sa ibang bansa, ngunit para pa rin itong celebrity sa dami ng nagkakagalu sa tuwing darating ito sa loob ng eskwelahan. Para lahat ata ng mga estudyante gustong magpapasin dito. Uo nga at bawat classroom sa maliit ngunit respitado naming paaralan ay sinabihan na itrato ng maayos ang darating na transferee student ilang araw bago ito sumulpot sa aming paaralan. Ngunit sa aking pananaw ay napaka-OA na ng paligid. Pwede naman kasing isang araw lang, pero umabot na ngayon sa isang linggo. Naisip ko tuloy hindi ba natatakot ang taong ito sa kawerdohan ng mga tao dito sa aming eskwelahan o talagang sanay lang sya na nasa kanya ang lahat ng atensyon. Ngunit sa isang banda naawa naman ako sa kanya dahil parang tila nahihirapan din sya at hindi komportable sa aming paaralan. 

Pwede makiupo? tanong ng mala-angel na tinig na pumukaw sa layo ng aking iniisip.
Su...sure, nautal ko pang sagot sa kanya.
Thanks, sabi nya sabay upo sa may bakanteng upuan sa aking tapat.
Bakit parang malalim ata ang iniisip mo? tanong nya muli sa akin.
Hindi naman naisip ko lang yong lesson kanina sa Math medyo kumplekado kasi eh. pagkakaila ko sa tunay na tumatakbo sa aking isip.

Nga pala ako si Mich... Michelle, sabi nya sabay abot ng kamay na para bang ngayon lang kami nagkita at magkakilala. Hindi ba sya aware na lahat ng tao na nakapaligid sa kanya ay kilala na sya?
John, sagot ko sabay abot ng aking kamay. Na inabot naman nya at ngkipag-shake hands.

So, John totoo pala ang balita na magaling kang estudyante ha? sabi nya matapos makipagkamay.
Hindi naman nag-aaral lang ng mabuti siguro, sagot kong hindi tumitingin sa kanya dahil pakiramdam ko bigla akong nahiya sa presensya nya.
Naku naman pa-humble ka ba dyan. Pero alam mo tingin ko magaling ka talaga, hindi lang magaling, mukhang mabait din. nakangiti nyang sabi sakin.
Napangiti lang ako sa mga sinabi nya at itinuon ang aking buong atensyon sa pagkaing nasa plato ko. (nasa canteen nga pala ako dahil lunch break at naiwan ko ang aking lunch box sa bahay kaya ito  napilitan akong bumili at kumain sa school canteen) 

Ilang minuto pa ang lumipas tahimik lang kaming kumakain.

So, pwede mo ba akong gawan ng favor, John? muli ay tanong nya.
Anong favor naman yon? 
Kilanagan ko kasi ng taong mag-tuturo sakin ng pasikot-sikot sa lugar na ito. At naisip ko baka pwedeng ikaw?
Bakit ako? naghihinalang tanong ko sa kanya.
Dahil may nakapagsabi sa akin na marami kang alam tungkol sa lugar na ito, kaya ikaw... isa pa mukha ka kasing mapagkakatiwalaan.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sayo Mich, sa totoo lang hindi naman talaga ako palalabas ng bahay namin kaya baka nagkamali lang yong nagkwento sayo. 
Ganun ba? loko yong nagsabi na yon ah! Akalain mo yon eh hindi mo naman pala kabisado ang lugar na ito tapos sayo ako itinuro.
Naku pagpasinsyahan mo nalang yong nagsabi sayo nun, natatarantang sabi ko naman at iniangat ko ang aking ulo mula sa plato patingin sa kanyang mukha na sa aking pagkagulat ay hindi naman mukhang galit, nakangiti pa nga eh. At nang magsalubong ang aming mata bigla nalang ay tumawa siya. Nagulat ako ang nagtataka sa kung bakit sya ganun. Ngunit sandali pa at tumatawa na rin akong tulad nya. 


Natapos ang Lunch break namin na puno ng saya, at sa totoo lang napagaan sa pakiramdam. Madami rin naman akong kaibigan ngunit na nakakasama at nakakakwentuhan ngunit ngayon lang ako nakatagpo ng kakwentuhang nakakagaan ng pakiramdam. Madami-dami rin kaming napag-usapan at nagkasundo rin kami na sasamahan ko sya na mamasyal sa ibat-ibang lugar sa aming bayan. 


Mabilis lang lumipas ang oras, uwian na nang hindi ko namamalayan. Seroyoso din kasi ang aming mga guro sa pagtuturo kaya eager akong nakinig at buong atensyong sinundan ang lecture. Nakatayo ako sa may gate ng may pumalo sa aking balikat, paglingon ko nakta ko si Mich na nakatyo malapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sabay kaming lumakad patungo sa sakayan ng tricycle sa may paglagpas lang ng plaza.


Simula ng araw na iyon madalas na kaming magkasama ni Michelle sa lunchbreak, uwian at minsan maging sa pagpasok ay nagkakasabay din kami. Dahil malapit lang ang bahay nila sa amin. Pag-aari ng pamilya nila ang pinakamalaki at pinakamagandang bahay sa aming lugar, ang pamilya nila ang may-ari ng pinakamalaking sakahan sa amin. Lolo nya ang aming mayor at ang tatay nya ang nag-iisa nitong anak. Lumaki sya sa siyudad, at hindi sa ibang bansa na ikinalat ng marami. Uo nga na bago sya lumipat sa aming school ay galing sya sa isang eskwelahan sa amerika ngunit hindi naman daw sya doon lumaki. Nasa 7th grade na daw sya ng mag-aral sya sa Amerika dahil kinailangang tumira sila doon pansamantala, Hindi naman nya nasabi sa kung anong dahilan at hindi ko na rin inungkat pa. At mula noon naging mabuting magkaibigan kaming dalawa. Sa bawat araw na lumilipas lalo ko syang nakikilala at lalo akong nagiging malapit sa kanya. 


Lumipas ang mga araw, buwan at madami na ang nagbago. Nagkaroon ako ng isang mabait na kaibigan sa hindi ko inaasahang pagkakataon, mas naging madali ang bawat mga lesson ko sa loob ng klase dahil may kasama na akong sa pagre-review at pagtambay sa library, magaan ang takbo ng lahat. Isa lang ang hindi ko gusto sa mga nangyayari, binibigyan ng kulay ng marami ang mabuti naming pagkakaibigan ni Mich. Madalas tampulan kami ng mga tuksuhan sa loob at labas ng paaralan. Minsan pa nga kinausap ako ng masinsinan ng aking Tatay tungkol doon. Sinabi nya sa akin na unahin ko muna daw ang pag-aaral bago ang pakikipagrelasyon dahil masyado pa daw akong bata. At nang sasabihin ko na ang side ko sa kanya, agad nyang sinabi sakin na, matulog na ako at may pasok pa kinabukasan, sabay talikod at pasok sa kanilang silid.


Sakabila ng mga panunukso at mga tsimis na kumakalat sa aming bayan tungkol sa aming dalawa ni Mich, nagkasundo kami na wag nalamang iyong pansinin...

January 13, 2011

Habang Tumatagal

Madaming Bagay sa buhay ng tao na dumadaan lang at walang masyadong kapansin-pansin kung baga hindi sya masyadong memorable sabi nga ng marami. Ngunit ang nakapagtataka lang minsan may mga sitwasyon na hindi lang minsan dumadaan kundi bumabalik at tila ba nagpapapansin. Ewan pero isa ata ang araw na ito sa mga araw na kahit hindi masyadong memorable ay parang nagiging makulay naman. 

Bakit nga ba? nung una parang hindi naman ganito, minsan lang naman na napatingin ng talagang tingin pagkatapos presto, eto na ngayon, nalilito, hindi mapakali at nag-iisip kung pano ba ang lahat ng ito naging ganitong kumplikado.....

Sabado....
Ayaw ko pero kailangan, matagal na din simula ng huli akong umuwi sa lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip. Pero ngayon pagkataapos ng mahigit walong taon eto ako lulan ng bus na maghahatid sakin sa lugar na tila nakalimutan ko na sa tagal ng panahong hindi ko nadalaw. Madalas kapag may nagsasabi saking taga-amin na lumuluwas sa maynila na "baka naman kaya ka hindi na umuuwi sa ating baryo ay dahil hindi ka na maalam bumiyahe pauwi ano bata?", ang isasagot ko lang ay "hindi naman po madami lang talagang trabaho na hindi pwedeng basta nalang iwanan". Pero ngayon parang totoo ata.

Sa loob ng halos 2 oras na  binabaybay ko ang lugar pabalik sa bayang aking pinagmulan, tila ito isang bagong lugar na ngayon ko lang mapupuntahan, madami ang nagbago may mga gusali na hindi ko naman nakita ng huling punta ko at sa daan mapapansin din na may mga ginagawa ring mga bago pang gusali. Matagal pa ang ilalagi ko sa loob ng bus na ito, anim na oras ata ang biyahe pauwi samin kaya pinili ko nalang na ipikit ang aking mga mata bago pa tuluyang lamunin ng kaba ang aking isip at magdesisyon akong bumaba at bumalik na uli ng maynila.

SAN NICOLAS!!! sigaw ng kondoktor ng bus na naging dahilan ng dali-dali kong pagmulat ng mata at pagtayo. Aray! sigaw ko dahil sa pagkaka-untong ng ulo ko. Hindi na ko nag-aksaya pa ng oras mabilis na binitbit ko ang dala kong bag at naglakad pababa ng bus, sa wakas andito na ko sa aming lugar. Sa lugar na sa totoo lang ayaw ko na sanang bumalik pa.

Naglakad ako papunta sa mga tricycle na nakapila, sumakay ako at sianbi sa driver kong saan ako patungo. habang nasa loob ng tricycle hindi ko mapigilang maalala ang mga pamilyar na lugar na aking nadaraanan. Unang nadaanan ang malaking simbahan sa aming lugar at sa may gilid nito ay ang plaza kung saan tuwing pyesta ay napakaraming ibat-ibang palabas na mapapanuod ng libre at talaga namang nakakaaliw. naalala ko pa na hindi ako pumapalya sa lahat ng mga pagtatanghal na ginagawa sa plaza na ito noon.

Sumunod ang maliit pero malinis pa rin at magandang tignan na municipal library. Dito ako madalas gumagawa ng aking mga term paper at research paper. Hindi pa kasi masyadong uso noon ang google kaya libro ang gamit sa pareresearch. 

Nakita ko rin uli ang mga nakalatag na palay sa daan at ang kulay berde na mga sakahan, nalalanghap ko rin ang sariwang hangin na dulot ng mga punong nasa palaging, malayo sa hangin na araw-araw kong nalalanghap sa maynila.

At nang malapit na sa amin natanaw ko ang isang malaki at lumang bahay. Isa ito sa maganda at malaking bahay noon ngunit ngayon kupas na ang kulay at halatang luma at hindi na natitirahan. Hindi ko alam pero dapat sana hindi na ako nasasaktan, ngunit tila panahon lang lumipas ngunit ang kirot at sakit na dulot ng pagkakatanaw sa lumang bahay ay ganun pa rin tulad ng nakalipas na 10 taon.

Sir dito na po ang bahay nila Aling Lydia, sabi ng driver na ihihinto sa tapat ng kawayang gate ang tricycle. inabot ko ang isang daan peso, sir sukli nyo po sabi ng driver ng makababa na ako dala ang aking bag.

Salamant ho, magalang na tugon ko sa driver.

Ilang minuto na akong nakatayo lang sa tapat ng aming bahay wala naman akong iniisip ngunit ayaw gumalaw ng aking paa. Ayaw humakbang na tila ba may mabigat na nakatali dito. Ilang sandali pa bumukas ang pinto ng aming bahay, lumabas ang isang babaeng mas bata lang sa akin ng kaunti. Hindi nya ako agad napansin tumuloy sya sa paglakad pagawi sa kabilang direksyon ng aking kinatatayuan. Hanggang sa tila naramdaman ata nya na may taong nagmamasid sa kanya at lumingon sya sa aking direksyon. 

KUYA JONH!!!! sigaw ni kayla habang tumatakbo papunta sa aking kinatatayuan

Hi, sabi kong nakangiti.

Ang laki mo na ha, parang kilan lang neneng-nene ka pa. patuloy kong kumento 

Kuya 8 taon ka kayang hindi umuwi, natural lumaki na ko no! sabi nya na napakalapad ng ngiti. Nay! andito ang kuya sigaw nya habang hinihila ako papasok ng aming bahay.

Sa pinto pagpasok namin nakita ko ang aming ina na palabas galing sa kusina. Maluha-luha at di makapaniwala na nasa harap na nya ako. Niyakap ako ng aking ina. 

Natutuwa ako at umuwi ka anak, humihibing sabi nya habang yakap ako.
 Aba! eh namiss ko na kayo eh, kaya ito naisipan dumalaw. sagot kong pinasigla ang aking tinig. ngayon ko lang naramdaman na namiss ko talaga ang pamilya ko at natutuwa akong makita sila muli. Tumagal pa ng ilang minuto bago kumalas  sa pagkakayakap ang aking ina.
tumungin sa akin mula ulo hanggang paa pagkatapos sinabi, kumain ka na ba? sigurado gutom ka sa haba ng biyahe hala dalhin mo na sa kwarto ang gamit mo at maghahanda lang ako ng makakain mo, dire-direcho nyang sabi pa.

Opo, natatawang wika ko sa kanya. naiiling na nagtungo ako sa aking kwarto, naisip ko kasi masyadong excited ang nanay ko. pumasok ako at nahiga sa aking kama. Maya-maya bumukas ang pinto at pumasok si Kayla.

Kuya bakit ngayon ko lang umuwi? tanong nya
Madami kasing trabaho na hindi pwedeng iwanan lang basta-basta, tugon ko habang bumangon ako at naupo sa giid ng kama.
eh bakit ngayon wala na bang masyadong trabaho?
meron pero hindi na ganun karami, saka talagang namiss ko na kayo dito.
Kamusta ka na pala? tanong ko upang maiba naman ang usapan, ayoko kasing pag-usapan ako.
Mabuti naman, maayos naman ang trabaho ko sa munisipyo. Madami nga lang ding trabaho ngayon pero ok lang. sagot ni Kayla, naku matutuwa tiyak sila Kuya Bobot pag nalamang narito ka, matagal ka ng inaabangan ng mga yon kuya, patuloy pa ni Kay.
Tango-tango lang ang tugon ko sa kanya.
Madami pa kaming napag-usapang magkapatid hanggang sa tinawag na ako ni Nanay dahil handa na raw ang pagkain sa mesa. at habang kumakain si Nanay naman at ako ang nagkamustahan. Nagpaalam si Kay na lalabas dahil may kailangan syang bilin sa bayan. 
Sinulit ni Nanay ang pagkakataong makausap ako ng sarilinan, madami syang tinanong at sinagot kung lahat, yong ibang sagot ko totoo, yong iba pinag-isipan upang hindi sumama ang loob ni Nanay. Ayokong isipin nya na iba ang naging epekto sa akin ng matagal na paninirahan sa maynila. Tumagal ang usapan namin ni Nanay nag halos isa't kalahating oras. matapos ang kamustahan nagsabi ako sa Nanay na nais kong magpahinga. kaya bumalik ako sa aking silid at inilock ko ang pinto.

Wala namang nagbago sa kwarto ko ganun pa din ang laki at itsura nito. Ngunit ang hindi nagbago hindi pa rin nito kayang ibalik ang saya na hatid nito sa akin noon. 

Noon madalas iniubos ko ang oras ko sa aking kwarto, hindi naman kasi ako palalabas ng bahay. Masaya na akong nagbabasa  habang nakikinig ng radyo sa aming bahay. Simple lang ang buhay namin, ordinaryong empleyado si Tatay sa munisipyo at ayos lang ang kita para sa maliit naming pamilya. Maayos ang aking pag-aaral dahil scholar naman ako sa Science High School sa bayan, hindi naman sa pagyayabang pero ako ang nagunguna sa aming klase. Nasa 3rd year High School na ko ng nagsimulang magulo ang tahimik kong buhay na naging dahilan ng maraming komplikasyon at masasakit na ala-ala...





December 07, 2010

Pasko

Parating na naman ang araw na pinakahihintay sa buong isang taon, ang araw na sinasabing pinakamasaya at pinakamakulay. Tama nga naman dahil naparaming ibat-ibang kulay na makikita sa mga bahay, kalsada, gusali, puno at kung saan-saan pa. Bawat tao ay abala sa pagpunta sa mga malalaking mall at pamilihan upang bumili ng mga panregalo sa mga bata, kapamilya, katrabaho, kamag-anakan at sa mga inaanak, halos lahat excited, at nakakatuwa dahil may ganitong klase ng panahon taon-taon. At talaga namang nakakataba ng puso na makitang makulay at masaya ang paligid. Bawat tao nagbabatian, nagbibigayan at nagkakasiyahan. Masayang tunay at talagang dapat ipagdiwag sapagkat ang araw na ito ay tunay na napakahalaga at kaabang-abang. Bakit nga naman hindi eh ito ata ang araw kung saan isinilang ang isang sanggol na syang naging daan upang ang ating buhay ang maging tunay na buo. At ang kaalaman na ang sanggol na ito ang syang tunay at laging nagbibigay para sa bawat nilalalang sa buong sanlibutan ay isang napakadakilang dahilan upang ipagdiwang at alalahanin ang kanyang naging pagsilang sa sanlibutan. 

Napakadalisay ng hangarin ng pagsilang ng sanggol sa mundong ito, napakawalang kasing halaga ang kanyang regalo para sa bawat tao na nabuhay, nabubuhay at mabubuhay sa mundong ito. 

Sa puntong ito ng taon, hindi man lahat nakakaintindi ng tunay na kahulugan ng araw na ito ay masasabi namang lahat ng tao ay talagang ito ang laging pinakaaasam-asam. Hindi pa nga dumarating ang pinaka-buwan nito ay abala na ang marami sa paghahanda para sa araw na ito. Madami ng ng-iikot sa kung saan-saan upang bumili ng kung anu-ano, madami na rin ang naglalagay ng kung anu-anong dekorasyon sa kung saan-saan upang maging buhay at talagang makulay, madami na rin ang nagpapatugtug na mga masasayang musika na nagpapaalala sa darating na araw na ito. Nakatuwang isipin na lahat ng tao, nag-iisip ng plano para sa napaka-espesyal na araw na ito. 

Kahit pa nga kahit minsan madami ang kapos sa budget pero hindi daw yon hadlang para ipagdiwang ang araw na darating. Minsan lang naisip ko, napakaswerte naman ng araw na ito kasi laging pinakaaabangan. Noong bata pa ako at hindi pa malawak ang kaalam sa mga okasyong meron, ang alam ko pagsumasapit ang araw na ito lagi akong may bagong set ng damit na binibili ng Lolo ko, lagi rin akong may bagong sapatos, at higit sa lahat madami akong perang natatanggap galing sa mga taong sa ganitong araw ko lang nakikita at nakikilala pero sa mga ordinaryong araw hindi ko alam kung asan sila at sino sila. 

Nang medyo nagkakaedad na ko or yong sinasabing teenager na medyo hindi na ganun ka-exciting para sakin ang araw na ito, hindi ko na iniisip kung may maganda ba o wala na mangyayri sa araw na ito. Sumasama pa rin ako sa mga kamag-anak kapag may mga pagtitipon ngunit wala na kong nararamdamang saya sa mga okasyong ganun. siguro kasi naisip ko naglulukohan lang naman yong mga taong ito dito eh, nagbibigayan ngayon pero pagtapos ng araw na ito balik uli sa dati, yong tipong lumuha ka man ng dugo manigas ka pero wala silang ibibigay sayo. Kaya ayon siguro hindi na ganun yong dating ng araw na ito sakin, at nakakalungkot kasi pangit ang naging impression ko sa araw na ito sa edad na iyon ng buhay ko. 

Pero gaya nga ng tunay na buhay hindi ako laging bata at teenager, dumating ako sa punto ng buhay kung saan alam ko na meron na akong sapat na kaalaman at kaunawaan upang intindihin kong ano ang kahulugan ng mga bagay-bagay. Bumalik ang saya at excitement ko para sa okasyong ito dahil gustong ako naman ang magbibigay sa mga bata, at mga kamag-anak. Kaya nag-ipon at namili ako para sa kanila, namigay, bumati at nagpahanda. Akala ko solve na yong ganon, akala ko magiging makulay na yong araw na iyon, pero at end pagod at pagsisisi lang ang naramdaman ko, nasan ang saya? nasan ang kulay? nasan ang buhay? akala ko pag nagbigay ako gaya ng mga nagbibigay sakin noong bata pa ko mararamdaman ko yong kakaibang saya ng dulot ng araw naito, pero wala, bakit? hindi ko maipaliwanag talaga, kaya nung mga sumunod na taon, ayon sabay nalang ako sa agos. Kung meron magbibigay, kung wala magtatago at hindi magpapakita para walang marinig na nakakakonsensya.

Hanggang minsan isang taon nakita ko yong kulay at saya ng araw na ito, hindi sya makulay dahil madaming mga ilaw na kumikislap sa gabi sa mga bahay, kalsada, gusali at mga puno. Hnidi sya masaya dahil sa regalo, handaan, kantahan, pagkikita-kita. 

Makulay dahil naunawaan ng puso ko kung ano ang tunay na kahulugan ng araw na ito. dahil sa araw na ito, na ilang libong taon na ang lumipas, ay isinilang ang isang sanggol na syang naging tagapaghatid ng kulay sa buhay na halos hindi ko na kakitaan ng kahit katiting na pag-asa, sya ang nagsilbing panibagong pag-asa at nagdulot ng kakaiba at panibagong karanasan. Ang dating ayaw ko nag makita at balikan dahil sa sugat na patuloy na nagdurugo sa loob ko unti-unti ginagamot nya, ang dating durong at lasog-lasog na puso pero patuloy na tumitibok at hinihiling ko na sana huminto nalang, sya ang unti-unting bumubuo. At dating walang kulay at parating kupas na buhay ko, sya ang unti-unting nagbigay ng liwanag.

Masaya dahil sa loob ng napakahabang panahon na puro hangin at espasyo ang makikita sa loob ng puso ko, ay sya ang nagpupuno. Ang dating uhaw at sabik sa pagmamahal at atensyo na pagkataon ko, sya ang nagbigay at nagpuno. Ang dating magulo at walang kapahingaha ng pag-iisip, sya ang nagpayapa at nagbigay kakuntentohan. 

Dahil sa pagsilang nya sa espesyal na araw na ito ng taon na laging pinaka-aabangan ng lahat ang buhay ay hindi na gaya ng dati. Hindi na kasing hirap ng dati at lagi ng may dalang ngiti sa bawat sakit ng kahapon at sugat na dalang ng nakaraan. Lagi ng may kamay na nakaagapay na handang yumakap at magsilbing lakas sa mga pagkakataong pinanghihinaan. 

Hindi ko inisip noon na darating sa punto ng buhay ko na mauunawaan ko ang kahulugan ng araw na ito sa ganitong klaseng aspeto. Ngayon sa tuwing titignan ko ang paligid na makulay at mga taong hindi magkamayaw sa pagbili ng mga panregalo, naiisip ko sana yong saya ko ay parehas din ng saya nila, dahil walang kasing halaga ang sayang dulot ng aking kaunawaan sa araw na ito. Walang pwedeng maging higit pa sa regalong ibinigay na libong taon na ang nakararaan at hindi ito pwedeng tawaran ng kahit na ano pa mang mamahaling regalo, makulay na bahay, kalsada, gusali at mga puno. Ito ang pinakamasaya, masarap, makulay, magara, at mamahaling regalo na natanggap ko sa buong buhay ko at alam ko sa pagdaan pa ng marami pang taon mas lalo pa ang saya at kulay na idudulot nito sa akin.

Kaya taos ang aking pasasalamat sa sanggol na ito sa regalong kanyang ibinigay sa mismong araw ng kanyang kaarawan. Hindi ko kayang tumbasan ang regalong ito, ngunit alam kong kaya ko itong pahalagahan at ipamahagi sa iba. Alam kong hindi sapat ang buhay ko upang maging kapalit nito, kaya higit sa anu pa man masaya akong naunawaan ito. At kung uulitin man ang buhay ko alam ko at sigurado ako ayokong mapunta sa posisyon ng ibang tao, ito uli ang buhay na pipiliin ko at ganito ko pa rin gustong maranasan ito.

Salamat sa panibagong saya at kulay para sa espesyal na araw mo sa taong ito, at ang nais ko ay ang ipagdiwang ito na ikaw ang kasama ko, gusto ko nasa mga bisig mo lang ako at yakap mo dahil hindi sapat ang buhay ko para maipakita sayo kung gaano ako kasaya na nakilala kita. Hindi sapat ang buhay ko para mahalin ka at maging ipakita sayo kung gaano ako nagpapasalamat.

December 03, 2010

Bata o Matanda?

Hindi  kailangang maging matandang-matanda para masbing Matured at hindi  rin kailangang maging batang-bata para masabing Childish. Dahil hindi lahat ng matanda ay Matured gaya ng hindi lahat ng bata ay Childish. 

Madaming nagsasabi na ang tao para masabing matured dapat mag grown-up, pero paano gugustuhin ng isang bata na mag grown-up agad kung sa tingin naman nya kasisimula palang ng mga masayang araw nya bilang bata.  Napakakomplikado ng mga ganitong klasing tanong pero saan ba kasi applicable ito? at bakit ba kasi kailangan na i-apply ito sa buhay? 

Mas madali nga naman ang buhay kung hahayaan lang ng tao na mag-flow ito ng dere-derecho. Kaso nga hindi ganun, gaano man gustuhin ng tao na maging madali lang ang buhay hindi naman yon ang nagiging basihan. Gaya nalang ng kahit gaano natin gustuhin na yong mga taong nakapaligid satin ay maging matured enough para sa mga disisyon nila hindi naman ganun yon kadali. 

It takes life time para matoto tayo at yon ang totoo, kaya lang hindi yon tanggap sa society dapat oras na lumagpas ka sa edad nang pagiging bata, automatic dapat matured ka na agad. Bawal na yong pagiging isip bata at makasarili. Mas prepared ng lipunan na oras na tumungtong na sa tamang edad ang isang tao, ay dapat maalam na sya sa buhay. 

Pero subukan mong isa-isahin ang mga tao sa lipunan at gawan ng survey kung ano ang gusto nila. Maging bata o matanda? for sure hindi ka makakakuha ng lalamang. Bakit? kasi hindi lahat gustong maging bata or matanda lang. Lahat ng tao nag-aasam umusad at walang gusto na mai-stock lang sila. 

Paano? 

Isipin mo isa kang bata na walang muwang sa mundo, sa kung anong pwedeng mangyari sa buhay mo sa hinaharap. But unfortunately hindi ganun kasimple ang buhay para sayo, maaga kang naulila sa ama, at iyong ina naman ay halos kulang nalang magpatiwakal na rin dahil sa apat kayong magkakapatid na bigla ay sya lang ang inaasahan. Hindi ganun kayaman ang tatay mo bago namatay sa katunayan pa nga nyan may limang daan peso pa syang utang sa tindahan ng kapitbahay gawa ng kinapos yong sahod nya nung nakaraang linggo. Pero dahil ikaw ang pinakamatanda sa inyong apat ayawan mo man o gustuhin kilangang magpakatatag ka para sa iyong mga kapatid at natitirang magulang. Ngayon kung ito ang buhay mo gugustuhin mo pa bang maging bata? 

Kung isa ka namang ama at sa tingin mo ay maayos naman ang buhay ng iyong pamilya dahil sa subsob ka sa trabaho at lahat ng kailangan ng iyong asawa at anak ay naibibigay mo at sa tingin mo naman ay sila na ang pinakamaswerte sa buong buhay nila dahil sayo, pwes napakabuti mo nga. But unfortunately hindi lahat ng mabuting tao, mabuti rin ang natatanggap. Umuwi ka ng bahay galing sa nakakapagod at sobrang stressful na trabaho sa buong maghapon at nadatnan mo na may kaguluhan sa iyong magarang tahanan, at bakit? ayon napag-alaman mo na ang kaisa-isang anak mong babae ay ngayon nagdadalang tao, at hindi pa yon hindi nya mahagilap ang taong kasabwat sa krimen na ito. Laglag ang balikat at sobrang sama ng loob ngunit dahil sa isa ngang mabait na ama, tinanggap at niyakap mo ang resulta ng artistic mong anak. Ngunit kung akala mo ganun lang yon mali pala, dahil pagkatapos lang ng isang linggo nagpapaalam na ang iyong asawa dahil sa hindi ka na daw nya kaya pang pakisamahan kahit kailan, nagsasawa na daw sya na intindihin ka, at wala na daw syang pagmamahal para sayo, eto pa bago pa daw tuluyang mawalan pati yong natitira nyang respeto para sayo nagsabi sya na pabayaan mo na syang umalis at gawin ang gusto nya sa buhay nya. Isa pa after two days pumunta ka sa kulungan para dalawin ang anak mong lalaki dahil nahuli sya at ang mga kaibigan nya sa salang pangagahasa sa isang minor de-edad na batang babae. Ngayon ang tanong kung alam mo ba na magiging ganito ang buhay mo noong bata ka pa gugustuhin mo bang Tumanda pa?

Paano naman kung isa kang nilalang na nasa gitna ng pagiging bata at matanda? in other words teenager, wow! di ba sabi nila ang stage na ito  ang pinakamasayang experience sa buhay, at totoo sa totoo masaya naman talaga. Dahil sa ganitong edad hindi ka na musmos at pwede ka ng lumakad kasama ng maraming mga kaibigang unti-unti ay nagiging malaking parte ng buhay. Pero nagising ka na isang umaga sa pagkakaalam na may-buhay na nagsisimulang sumibol sa iyong sinapupunan. Anong nangyari isa ka palang labing-anim na taong tao, hindi ka pa handa, hindi ka pa sigurado sa buhay, isa ka palang paalasa sa kung ano ang meron ang mga magulang mo, pero eto ka maydalang responsibilidad. Sa murang edad kinaialangan mong harapin ang bunga ng isang desisyong hindi mo naman masyadong pinag-isipan pero andito ka na ayaw mo namang gumawa ng isa pang maling desisyon, kaya kahit hindi ka handa hinarap mo ng buong takot, pangamba, panlulumo, at tiyaga. Dahil yon lang ang kayang ibigay ng isang taong tulad mo. Hindi ka matapang, dahil sa hinarap mo ang bunga ng desisyon mo kundi kinailangan mong maging dahil wala kang pwedeng ipanghina sa mga ganitong sitwasyon. Ngayon ang tanong gugustuhin mo pa bang tumanda, sakabila ng mga bagay na kakaharapin mo? Sa mahirap at walang kasigurohang buhay? O gusto mo pa bang maging bata, para matakasan at maging makasarili upang hindi ka na masaktan?

Hindi naman kailangang sagutin ang mga tanong na ito sa totoo lang, dahil sa mga sitwasyong ito wala kang choice kundi humarap. Bawal magtago dahil walang pwedeng taguan, bawal mag-edit dahil non-editable na ang mga nagawa mo. Ang pwede lang ay magpakatatag sa pagharap, kahit na mas gusto mong manghina at manlumo nalang sa isang tabi. Kahit pa gusto mong umiyak nalang ng umiyak hanggang maubos na ang lahat ng tubig sa katawan mo at kahit pawis hindi ka na makaranas pa. 

Hope for the best yan ang sasabihin sayo ng mga mga tao pag nakita ka nila sa ganitong sitwasyon pero sinong lolokuhin mo at sasabihang "yeah, that's what i need" dahil sa loob mo hindi yon ang gusto mo pa rin. Ayos lang wala naman talagang magsasabi ng totoo dahil lahat gustong umasa. At yon lang ang pwede.

Kaya mapabata ka man o matanda hindi na yon ang mahalaga, ang mas importante alam mo ang halaga ng buhay mo kahit madapa ka man ng liblong beses.